Try the new and improved ABS-CBN.com website!»
  
Thursday, July 31, 2014
Gus Abelgas hunts down family of thieves in 'SOCO'
by ABS-CBN Corp. Comm. | June 21, 2013 11:44 PM | 

Patuloy ang pagtugis ni Gus Abelgas sa mga pinaka-wanted na kriminal sa bansa ngayong Sabado (Hunyo 22) sa “SOCO” kung saan ilalahad niya ang kwento ng magpipinsang kilala sa pagnanakaw sa mga palaisdaan sa Infanta, Quezon.
Naging talamak ang nakawan sa Silangan, Infanta kaya naman sinisiguro ni Lina Gloria noon na laging may nakabantay sa palaisdaan nila. Ngunit isang araw ay binaril ang asawa niyang nagbabantay noon. Nakilala niya ang mga salarin na sina Larry Peñamora at ang kanyang mga pamangkin na sina Ruel, Rommel, at Randy na agad namang tumakas.

Bago pa man ang insidenteng ito, pinaghihinalaang nagnanakaw ang pamilya Peñamora dahil lagi raw silang nakikitang nagdadala ng balde-baldeng alimango at hipon sa palengke kahit pa wala naman silang palaisdaan. Pero wala raw makasita sa magti-tiyuhin na ito dahil kinatatakutan sila sa lugar sa pagiging mga siga at may mga sumpak.

Nito lamang Hunyo ay nahuli si Rommel, habang nanatiling wanted ang iba pa. May patong sa ulo na  tig-P20,000 ang sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga wanted na ito.

Ngayong buwan ay sinimulan ng “SOCO” ang kampanyang tulungan ang mga biktimang naghahanap ng katarungan sa pamamagitan ng paglulunsad ng microsite na www.abs-cbnnews.com/soco/wanted kung saan nakapaskil ang mga detalye ukol sa mga wanted na kriminal at kung paano makakatulong ang mga manonood sa pagdala sa kanila sa hustisya.
Huwag palampasin ang “SOCO: Scene of the Crime Operatives” ngayong Sabado (Hunyo 22) pagkatapos ng “Showbiz Inside Report” sa ABS-CBN. Para sa updates ng programa, i-like ang www.facebook.com/Abs-Cbn-SOCO. Para naman mapanood ang nakaraang tatlong episodes nito, bisitahin lamang ang www.abs-cbnnews.com/soco.

Related Links 

  • ABS-CBN - SOCO
  • The
ABS-CBN
ForumsSend us
your feedbackTFCnow


    Tags: soco

    KC Concepcion fulfills her dream of becoming a mermaid on KrisTV
    Through “KrisTV” and through the help of the Mermaid Coaches of Philippine Mermaid Swimming Academy, KC Concepcion fulfills her dream of becoming a mermaid.
    ABS-CBN Launches New Afternoon Current Affairs Programs
    On August 6, 2013, ABS-CBN held a Press Conference to introduce the network’s new current affairs programs for the afternoon timeslot. Broadcast journalists Julius Babao, Karen Davila, Doris Bigornia, Atom Araullo, and Anthony Taberna were at the event to represent their respective afternoon public affairs shows and to shed light on personal issues.
    Kapamilya merchandise now available online
    Aimed at making shopping more effortless and more enjoyable, Shopinas.com and MyRegalo.com now offer ABS-CBN Licensing’s best products.
    See all articles...

    © 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers