Try the new and improved ABS-CBN.com website!»
  
Friday, April 28, 2017
Julius Babao exposes foreigner's ownership of sex videos
by ABS-CBN Corp. Comm. | July 14, 2013 9:24 PM | 

Mas paiigtingin ni Julius Babao ang pagbabantay sa mga abusado dahil simula ngayong Lunes (Hulyo 15), ay higit na sa isang kaso o krimen ang bibigyang aksyon sa “Bistado” linggo-linggo.

 Isa sa mga kasong ibubuking sa mas pinatapang na “Bistado” ang diumano’y kahalayan ng isang negosyanteng Aleman sa Boracay, na bukod sa nananamantala ng mga kababaihan ay kinukunan pa ng video ang pakikipagtalik niya sa mga ito.

Matapang na ibinuking ni “Minna,” asawa ng naturang dayuhan, ang pagkakaroon ng daan-daang sex video ng mister para na rin mawakasan ang kabulastugan nito. Karaniwang mga masahista o kaya naman mga tauhan ng kanilang resort umano ang binibiktima ng dayuhan.

Isisiwalat din ang nilalaman ng isang CCTV video na nakasaksi sa pag-atake ng “Bolt-cutter gang” habang nanglilimas ng computer sets sa isang internet café. Matukoy na kaya ang salarin ng naturang krimen?

Samantala, napag-alamang ginagawang pampa-high na rin ang Freon ng aircon ngayon kagaya ng solvent. Paano makakaapekto ang kemikal na ito sa kalusugan ng tao na maari rin daw makamatay?

Huwag palampasin ang pagbubukas ng mas pinalakas na pwersa ng “Bistado” ngayong Lunes (Hulyo 15), 4:45 p.m. sa ABS-CBN. Para updates ng programa, bisitahin ang www.abs-cbnnews.com/currentaffairs.

Related Links and Articles

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedbackTFCnowTFCnow



KC Concepcion fulfills her dream of becoming a mermaid on KrisTV
Through “KrisTV” and through the help of the Mermaid Coaches of Philippine Mermaid Swimming Academy, KC Concepcion fulfills her dream of becoming a mermaid.
ABS-CBN Launches New Afternoon Current Affairs Programs
On August 6, 2013, ABS-CBN held a Press Conference to introduce the network’s new current affairs programs for the afternoon timeslot. Broadcast journalists Julius Babao, Karen Davila, Doris Bigornia, Atom Araullo, and Anthony Taberna were at the event to represent their respective afternoon public affairs shows and to shed light on personal issues.
Kapamilya merchandise now available online
Aimed at making shopping more effortless and more enjoyable, Shopinas.com and MyRegalo.com now offer ABS-CBN Licensing’s best products.
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers