Try the new and improved ABS-CBN.com website!»
  
Friday, April 28, 2017
Richard Gomez and Dawn Zulueta are excited to work with John Lloyd Cruz
by Krissa Donida | June 30, 2013 8:32 PM | 

Parehong kinumpirma ni Richard Gomez at Dawn Zulueta na tuloy na ang pelikula na pagsasamahan nilang dalawa na parte ng 20 years celebration ng Star Cinema at pareho na rin silang pumirma ng kontrata para sa nasabing pelikula at ibinahagi ng dalawa ang kanilang excitement sa kanilang pinakabagong proyekto kung saan makakasama nila sina John Lloyd Cruz at Jessy Mendiola. Isang karangalan para kay Dawn aniya ang mapabilang sa ikadalawampung anibersaryo ng Star Cinema. Sabi pa ni Richard, “I feel proud being part of the 20th anniversary. What a great year ano? What a great time to be with Star Cinema – ako, Dawn, John Lloyd… it’s really nice, exciting.”

Ibinahagi din ni Richard ang kanyang kasiyahan sa pinakabagong pagbibidahan nila ni Dawn, “Very excited kasi from the success of Walang Hanggan and then ngayon may movie na kami ulit.” Maging si Dawn ay di mapigil ang sayang nararamdaman tungkol ditto. “Ako rin, excited din ako and matagal na kasi tayong hindi gumagawa ng pelikula. Actually noon Goma, ang ginagawa natin together were movies tapos biglang gumawa tayo ngayon lang ng teleserye tapos naging ganoon pa ka-successful, ikinagulat namin. So ngayon naman na babalik ulit kami sa dati naming gawin which is movie, I’m excited and at the same time kind of nervous kasi syempre parang 20 years in the making ‘to (laughs). Medyo matagal.”

Nagbigay din ng konting pasilip si Dawn sa kanilang mga tagahanga kung ano ang aabangan ng mga tao sa kanilang pelikula, “Well, from what we’ve gathered sa story pitching today, it is a family drama na love story and it’s like past lovers kami that we’re trying to save our marriage, trying to bring back yung love.”

Excited din ang itinananghal na All-time Favorite Love Team na makakasama din nila sa inaabangang pelikula sina Jessy Mendiola at ang tinaguriang Box-Office King na si John Lloyd Cruz. Ayon kay Dawn, “I’m very excited ‘cause I’ve been really wanting to work with John Lloyd  and si Jessy naman I’ve seen her already. Naging successful naman yung ginawa niyang teleserye so both of them, I’m excited to work with”, na sinuportahan naman ni Richard, “I am happy to work with John Lloyd kasi last time na nagkasama kami sa project, Palibahasa Lalake pa yun. Mga bata pa kami noon, so ngayon medyo nagka-edad kami ng konti, magkasama nanaman. But yung genre namin, was comedy but this time, it’s a serious movie.”

Kasabay ng kanilang pelikula, kinumpirma din ni Richard at Dawn na muli silang magbibida sa isang teleserye at lahat naman ng ito ay dahil sa kanilang mga taga-hanga sa patuloy na pagsuporta sa kanilang tambalan. Kaya naman may mensahe din ang dalawa sa mga walang sawang sumusuporta sa kanila simula pa noon. “Sa lahat ng mga fans namin lalong-lalo na sa laha tng mga Char-Dawnians na fans, abangan po ninyo ang pelikula na gagawin namin ni Richard under Star Cinema. In the next couple of weeks, marami pang mga detalye at information ang maibibigay namin sa inyo but we’re very thrilled that we’re finally going to have a movie again,” sabi ni Dawn. Dagdag pa ni Richard, “Yan yung mga fans namin na matagal nang naghahangad, nag-eexpect na makagawa kami ng movie pagkatapos ng Walang Hanggan, nandito na, matutuloy na so abangan ninyo.”

Related Links and Articles

The
    ABS-CBN
    ForumsSend us
    your feedback



Richard Gomez and Dawn Zulueta are excited to work with John Lloyd Cruz
One thing that Richard Gomez and Dawn Zuleta are excited about aside from their movie is their team-up with John Lloyd Cruz and Jessy Mendiola in the said project.
Judy Ann Santos returns to doing teleseryes in Huwag ka Lang Mawawala
The talented actress admits she is flattered to be called the Queen of Pinoy soap operas.
Star Magic celebrates its 21st year anniversary
Star Magic marks its 21st year on ‘ASAP 18.’
See all articles...

© 2008 ABS-CBN Interactive Inc., All Rights Reserved.     Feedback     ABS-CBN Information     FAQ     Advertise With Us     Terms Of Use     Privacy Statement     ABS-CBN Careers